Kahapon gustung-gusto kitang makasama,
Ngayon, ayoko na ng drama.
Hindi ko pa nga nagagawa ang lahat
Pero ayaw mo naman eh, kahit sa sulat.
Kahapon gustung-gusto kitang makita,
Ngayon, nanonood na lang ako ng balita
Sabi mo lahat ginawa mo na
Pati ang iwanan ako nasa listahan mo pala.
Kahapon baliw na baliw pa ako sayo,
Ngayon wala ka na sa’king plano
Katulad mo, kaya ko ring magpakasaya
Pero di tulad mo mas gusto ko’ng kasama ka.
Kahapon ang sabi mo walang katapusan,
Ngayon di ko alam kung ano’ng una ko’ng sisimulan.
Pero gaya mo, napapagod din ako.
Masarap pala magpahinga malayo sa’yo.
Kahapon hindi ko inisip na matatapos nang ganito kabilis
Ngayo’y panahon ko na rin ngang umalis
Bukas siguro naman makakangiti rin ako
Ngunit samakalawa, malamang, sasagi ka na naman sa isip ko.
Wag na,
Kung ayaw mo, ayoko na rin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.jpg)
1 comment:
Ganda ng Song...
More power! =)
Check out http://www.iloiloclassifieds.com for free Ad listing. FREE ads. No Strings Attached.
Post a Comment